Tugon sa Pamana
Ang UP Bilang Kanlungan ng Kalayaan
Itinuturing ang mga kampus ng Unibersidad ng Pilipinas na santuwaryo ng malayang pagpapahayag na kinakailangan para sa isang pamantasang padaluyan ng kalayaang pang-akademiko - ang kalayaan na masuri ang bawat ideya ng sangkatauhan nang walang takot at pangamba.
Dahil dito, nagkaroon ng mga kasunduan sa pagitan ng administrasyon ng UP at ng pamahalaan upang pigilan ang pagpasok ng militar at pulis sa loob ng kampus nang walang pahintulot mula sa administrasyon ng UP: ang kasunduan sa pagitan ni UP President Salvador P. Lopez at ni Quezon City Mayor Norberto Amoranto noong 1969; ang Enrile-Soto Accord na pinirmahan noong 1982 ni dating Defense Secretary Juan Ponce Enrile at ni Sonia Soto, ang dating tagapagsalita ng League of Filipino Students; at ang UP-DND Accord noong 1989. Sa taong 2021, yunilateral na binawi ng administrasyong Duterte ang 1989 UP-DND Accord na mahigpit namang tinutulan ng malawak na komunidad ng UP.
Click to view