Tugon sa Pamana

Ang Diliman Commune Bilang Lunsuran ng Sining

Pinagtibay ng aktibismo ang mga gawaing pansining. Ang mga organisasyon tulad ng Student Cultural Association of the University of the Philippines (SCAUP) na itinatag noong 1961, at Kabataang Makabayan (KM) na itinatag noong 1964, ay nagbigay boses sa mga kabataan ng dekada 60 at 70 sa pagsusulong ng radikal na pagbabago ng lipunang Pilipino. Matapos ang Diliman Commune, naitatag naman ang Nagkakaisang Progresibong Artista at Arkitekto (NPAA) na nagpasimula ng mga porma ng sining protesta at rebolusyonaryo tulad ng mural, editorial cartoons, peryodikit, at mga plakard na gamit sa mga kilos protesta. Sa larangan ng teatro, naging aktibo ang Gintong Silahis, Panday Sining, Tanghalang Bayan, at Samahang Kamanyang.

Iba’t ibang porma ng sining ang nalikha na nakabatay sa Diliman Commune – mga tula, maiikling kwento, sanaysay, dula, at sining-biswal.

I • Barikada: The Musical, 2015
Recording mula sa DZUP
II • DZUP Panayam kina Dr. Carol Araullo at Atty. Rowena Daroy-Morales
DZUP Program “UP Naming Mahal” ni Dr. Elizabeth Enriquez, Setyembre 15, 2015
III • Malikhaing Pagsulat | Mga Tula
mula sa Bandilang Pula, 1971
IV • Mga Dokumentaryo