Ikapitong Araw

Itaas ang iyong noong aliwalas
Ngayon, Kabataan ng aking pangarap!
Ang aking talino na tanging liwanag
ay pagitawin mo, Pag-asa ng Bukas!

- Jose Rizal, Sa Kabataang Pilipino
(A La Juventud Filipina)
, 1879

Ang mga barikada ay naitayo gamit ang mga kasangkapan ng unibersidad. Maaaring ituring na paglabag sa batas ang ginawa ng mga mag-aaral dahil sa pagkasira ng mga mesa at silya, kasama na ang paggamit sa mga pasilidad at mga materyales nito nang walang pahintulot. Ngunit sa mata ng ilang makabayang mambabatas, madaling palitan ang mga nasirang mesa at silya, gayundin ang mga materyales. Ang layunin ng barikada ay mas matimbang kaysa sa mga ito — ang pagpapahayag ng pagtutol sa karahasang dinaranas ng masang Pilipino sa araw-araw. Ang mga mesa at silya ng barikada ay simbolo lamang ng pagtutol na ito.

Pagkilos

Salaysay ng Ikapitong Araw

Tagapagsalaysay: Gio Potes

Paglikha

Tulad ng iba pang anyo ng malikhaing pagtutol, umusbong ang mga awit, tula, guhit at pinta, at mga pagtatanghal na siyang sumasalamin sa tunay na kalagayan ng masang Pilipino sa panahong iyon. Isa na rito ang “Barikada” ni Behn Cervantes, isang musical na itinanghal noong Setyembre 1971 sa UP Theater. Gayundin, naisulat ang mga tula, maiikling kwento, at mga sanaysay ng mga naging saksi at nakaranas ng Diliman Commune.

Ikaw, na may diwang inibig ni Apeles
sa wika inamo ni Pebong kay rikit
sa isang kaputol na lonang maliit
ginuhit ang ganda at kulay ng langit.

- Jose Rizal, Sa Kabataang Pilipino
(A La Juventud Filipina)
, 1879