Tugon sa Pamana
Aktibismo sa Gawaing Akademiko
Sa gitna na paniniil sa mga kritikal na boses, pinaninindigan ng UP ang kahalagahan ng malayang pamamahayag na isang batayang karapatan sa ilalim ng demokrasya. Naging kanlungan ang UP ng mga prinsipyo ng aktibismo at participative democracy bilang katuwang ng edukasyon ng pambansang pamantasan. Ang ideya na dapat integral ang pag-unawa sa lipunan, kultura, at kondisyong Pilipino ay naisanib na sa iba’t ibang disiplinang pang-akademiko, sa pananaliksik, sa demokratikong proseso ng pamamahala sa pamantasan, at sa pampublikong serbisyo na isinasabuhay ng mga guro, kawani, at estudyante ng UP. Kung gayon, masasabing naging isang matibay na salalayan ang aktibismo bilang lunsaran ng paglikha ng kaalaman (production of knowledge) na nakabatay sa intensyong magsilbi sa bayan.
Click to viewMakalipas ang limampung taon, paano uunawain ang Diliman Commune sa kasalukuyan? Ang seksyon ay nagtipon ng iba’t ibang uri ng pagtugon sa pamana at aral na dumaloy sa iba’t ibang aspekto ng buhay at gawain sa Unibersidad ng Pilipinas.