Ika-siyam na Araw
Itaas ang iyong noong aliwalas
Ngayon, Kabataan ng aking pangarap!
Ang aking talino na tanging liwanag
ay pagitawin mo, Pag-asa ng Bukas!
- Jose Rizal, Sa Kabataang
Pilipino
(A La Juventud Filipina), 1879
Sa pangkalahatan, nabigyang-hugis ng Diliman Commune ang usapin ng “academic freedom” na bagama’t suportado ng estado ang unibersidad, nararapat na panatilihin ang integridad ng instituyon ng edukasyon, na bigyan ng kalayaan ang mga iskolar na manaliksik at tuklasin ang pinakamataas na antas ng katotohanan. Sa Diliman Commune naisabuhay ang ideya na ang karapatang magprotesta sa mapayapang paraan ay kasinghalaga ng karapatang makapag-aral sa pamantasan.
Dapat na tandaan na ang mga kalahok sa Diliman Commune ay mga kabataan – karamihan ay edad 18 – na may mataas na pangarap para sa bayan. Masasabing may lupon din ng kabataan na nagtanggol sa Pilipinas sa rebolusyon noong 1896-98 laban sa mga Kastilang mananakop – mga Katipunero sa pamumuno ni Andres Bonifacio na inialay ang buhay upang mapalaya ang Pilipinas.
Kabataan
Salaysay ng Ika-siyam na Araw
Tagapagsalaysay: Atom Araullo kasama sina Sarah Elago at Rex Nepomuceno
Pilipino
Sa katunayan, may mga repleksyon ukol sa Diliman Commune na nagsasabing ito ay isang pagpapatuloy ng hindi natapos na rebolusyon noong 1896-98 para sa tunay na kalayaan ng bayan. Anuman ang ating paniniwala, hindi maitatanggi na ang kasaysayan nito ng UP ay patuloy na nananalaytay sa iba’t ibang aspekto ng gawaing akademiko ng UP - ito man ay sa loob ng silid-aralan, o kaya sa pakikilahok sa mga inisyatibong politikal at panlipunan sa kasalukuyan.
Araw na dakila ng ligaya’t galak
magsaya ka ngayon, mutyang Pilipinas
purihin ang bayang sa iyo’y lumingap
at siyang nag-akay sa mabuting palad.
- Jose Rizal, Sa
Kabataang
Pilipino
(A La Juventud Filipina), 1879