Ikawalong Araw
Itaas ang iyong noong aliwalas
Ngayon, Kabataan ng aking pangarap!
Ang aking talino na tanging liwanag
ay pagitawin mo, Pag-asa ng Bukas!
- Jose Rizal, Sa Kabataang
Pilipino
(A La Juventud Filipina), 1879
Masasabing ang Diliman Commune noong 1971 ay isang tulay na nagtawid ng mga radikal na kaganapan mula sa pagbukas ng dekada 1960, kasama na ang mga ideyang nabuo mula sa mga ito, sa isang bagong kamalayan na tampok ang pag-aklas sa mga piyudal na tradisyon at pag-iisip. Namulat din ang mga kababaihang mag-aaral sa kanilang mahalagang papel sa lipunan at tuluyang iwinaksi ang makaluma at elitistang tradisyon sa kampus tulad ng “Cadena de Amor,” isang piging ng mga kabataan na kinakikitaan ng magagarbong paghahanda.
Tradisyon
Salaysay ng Ikawalong Araw
Tagapagsalaysay: Shan Abdulwahid
Transpormasyon
Nagkaroon din ng pagbabago sa tradisyon sa pagdaraos ng Lantern Parade na siyang nagsasara ng bawat taon. Kung dati ay palakihan na espektakulo, ito ay nagbagong-anyo upang palitawin ang sining sa mga disenyo na nakabatay sa mga isyu ng lipunang Pilipino tulad ng pagkakaroon ng imahen ni Inang Bayan na nakalulan lamang sa kariton. Nagkaroon ng panibagong kamalayan na naghudyat ng pagtatapos ng mga tradisyon sa kampus na nawalan na ng kabuluhan at napalitan ng mas malalim na pagkilala sa sariling kultura at mga adhikain.
Humayo ka ngayon, papagningasin mo
ang alab ng iyong isip at talino
maganda mong ngala’y ikalat sa mundo
at ipagsigawan ang dangal ng tao.
- Jose Rizal, Sa
Kabataang
Pilipino
(A La Juventud Filipina), 1879