Ika-apat na Araw
Itaas ang iyong noong aliwalas
Ngayon, Kabataan ng aking pangarap!
Ang aking talino na tanging liwanag
ay pagitawin mo, Pag-asa ng Bukas!
- Jose Rizal, Sa Kabataang
Pilipino
(A La Juventud Filipina), 1879
Mula pa noon, ang papel na ginagampanan ng “media” ay mahalaga sa pagsulong ng anumang kilos-protesta. Ito ay paraan ng pagpapahatid sa publiko ng mga hinaing at saloobin ng mga mamamayang walang kapangyarihan at boses na ipahayag ang kanilang pagtutol sa mga patakaran ng administrasyon na salat sa katwiran at pagmamalasakit sa bayang Pilipino. Gamit ang panulat sa print media at ang radio broadcast, naging mahalaga ang paggamit ng mga estudyante sa mga makinarya ng UP Press at sa sakop ng DZUP upang marating ang nagmamatyag na publiko. Ang kamalayan ng sambayanan ay nahuhubog sa mga impormasyon at perspektiba na naipapahayag sa iba’t ibang anyo ng media.
Tinig
Salaysay ng Ika-apat na Araw
Tagapagsalaysay: Rex Nepomuceno
Bayan
• DZUP Broadcast - 4 February 1971
mula kina Dr. Ricardo Jose at Dr.
Isagani
Medina
Ikaw na may bagwis ng pakpak na nais
kagyat na lumipad sa tuktok ng langit
paghanapin mo ang malambing na tinig
doon sa Olimpo’y pawang nagsisikap.
- Jose Rizal, Sa
Kabataang
Pilipino
(A La Juventud Filipina), 1879