Ikatlong Araw

Itaas ang iyong noong aliwalas
Ngayon, Kabataan ng aking pangarap!
Ang aking talino na tanging liwanag
ay pagitawin mo, Pag-asa ng Bukas!

- Jose Rizal, Sa Kabataang Pilipino
(A La Juventud Filipina)
, 1879

May kapangyarihang nabubuo sa sama-samang pagkilos at paggawa. Sa gitna ng pagtitipon sa AS Steps ng Palma Hall, habang nagtatalumpati ang mga kinatawan ng mga mag-aaral ay siya ring sapilitang pagpasok ng kapulisan at militar sa mga lagusan ng paaralan. Nabulabog ang sana’y payapang pagtitipon dahil sa hindi inaasahang pagdating ng mga ito. Ganito nagpatuloy ang siklo ng paglusob, karahasan, negosasyon, pag-atras, at paglusob muli, sa pagitan ng kapulisan at ng komunidad ng UP Diliman. Lalong umigting ang kapit-bisig na pagkakaisa sa hanay ng mga nagbabarikada at ang suporta mula sa iba, at naging timon (helm) ng ideyolohiyang ipinaglalaban at pinaninindigan ng mga kabataang Pilipino.

Pagtitipon

Salaysay ng Ikatlong Araw

Tagapagsalaysay: Gio Potes

Pagtitimon

Masdan ang putong na lubhang makinang
sa gitna ng dilim ay matitigan
maalam na kamay, may dakilang alay
sa nagdurusa mong bayang minamahal.

- Jose Rizal, Sa Kabataang Pilipino
(A La Juventud Filipina)
, 1879