Ikalawang Araw
Itaas ang iyong noong aliwalas
Ngayon, Kabataan ng aking pangarap!
Ang aking talino na tanging liwanag
ay pagitawin mo, Pag-asa ng Bukas!
- Jose Rizal, Sa Kabataang
Pilipino
(A La Juventud Filipina), 1879
Ang likhang-sining na Oblation, na ginawa ni Pambansang Alagad ng Sining Guillermo Tolentino noong 1935, ay ang matibay na simbolo ng Unibersidad. Sa pagdaan ng panahon, ang diwa ng Oblasyon ay naging sagisag ng adhikain ng mga iskolar ng bayan na magsilbi at mag-alay ng sarili sa bayan. Pumapatungkol rin ito sa paninindigan sa kahalagahan ng malayang pagpapahayag upang mangibabaw ang katotohanan at ang pag-unawa sa kalagayan ng bayan. Ito rin ang diwa ng isang unibersidad na hinahasa ang karunungan ng kabataan upang pag-aralan ang kondisyon ng kanyang kapaligiran. Sa ganitong pananaw, ang kampus ng UP Diliman ay tinitingnan na isang lugar na kailangang ipagtanggol sa panghihimasok ng mga puwersa ng estado.
Oblasyon
Salaysay ng Ikalawang Araw
Mga tagapagsalaysay: Shan Abdulwahid at Atom Araullo
Pag-Aklas
Bilang pagsuporta sa adhikain ng mga mag-aaral at sa diwa ng kilos-protesta, nanawagan si UP Pres. Salvador Lopez para sa nagkakaisang pagtutol sa militarisayon ng UP at para ipaglaban ang demokrasya at awtonomiya nito. Dahil sa pagtatanggol ng mga nagbabarikada mula sa paglusob ng kapulisan at militar sa loob ng kampus, nagkaroon ng mararahas na engkwentro sa ilang mga lugar tulad ng Vinzons Hall, Kamia Residence Hall, at Sampaguita Residence Hall, na nagresulta sa malawakang pinsala sa mga pasilidad at mga sugatang mag-aaral. Ang diwa ng sakripisyo ay lumaganap sa mga kalahok sa barikada.
Bumaba kang taglay ang kagiliw-giliw
na mga silahis ng agham at sining
mga Kabataan, hayo na’t lagutin
ang gapos ng iyong diwa at damdamin.
- Jose Rizal, Sa
Kabataang
Pilipino
(A La Juventud Filipina), 1879