Unang Araw

Itaas ang iyong noong aliwalas
Ngayon, Kabataan ng aking pangarap!
Ang aking talino na tanging liwanag
ay pagitawin mo, Pag-asa ng Bukas!

- Jose Rizal, Sa Kabataang Pilipino
(A La Juventud Filipina)
, 1879

Ang paglabas ng mga mag-aaral mula sa mga silid-aralan patungo sa lansangan ay itinuturing na lunsuran ng tunay na mapagpalayang pakikilahok sa lipunan. Matapos ang mga radikal na kaganapang nagsimula pa sa paglaganap ng aktibismo at nasyonalismo sa hanay ng kabataan sa pagbukas ng dekada ’60, sa malawakang welga sa UP Diliman noong Pebrero 1969, hanggang sa Sigwa ng Unang Kwarter (FQS) ng 1970, nabuo na sa diwa ng mga iskolar ng bayan ang kaparaanan ng aktibismo bilang pagtutol sa anumang paniniil at pang-aabuso sa mga karapatang pantao sa lipunan.

Lansangan

Salaysay ng Unang Araw

Mga tagapagsalaysay: Atom Araullo at Sarah Elago

Lunsuran

Kaya naman noong Pebrero 1971, nanawagan ang UP Diliman University Student Council (USC) na makiisa sa panawagan ng mga drayber ng jeep na labanan ang pagtaas ng presyo ng krudo at gasolina na nagpapahirap sa kabuhayan ng maralitang Pilipino. Walang pag-aatubiling naglunsad ang mga mag-aaral ng kilos-protesta. Lingid sa kanilang kaalaman, ito pala ang magiging simula ng isang mahalagang yugto sa kasaysayan ng UP Diliman na patuloy na huhubog sa katauhan ng mga iskolar ng bayan.

Ikaw ay lumitaw, O katalinuhan
Magitang na diwang puno sa isipan
mga puso nami’y sa iyo’y naghihintay
at dalhin mo noon sa kaitaasan.

- Jose Rizal, Sa Kabataang Pilipino
(A La Juventud Filipina)
, 1879