Sa(la)ysay

Ang seksyong ito ay paglalahad ng mga kaganapan batay sa arkibong pananaliksik tungkol sa Diliman Commune at mula sa mga panayam sa mga lumahok at naging saksi sa mga pangyayari noong 1971. Isa rin itong pagtatangka na bigyan ng interpretasyon ang mga piling kaganapan sa pamamagitan ng paglalatag ng engkwentro ng dalawang tema sa bawat araw. Ang mga tambalang tema ay itinuturing na mahahalagang aspekto ng kasaysayan ng pagkilos at protesta sa Pilipinas. Dahil dito, ang eksibit ay nagbabalik-tanaw sa tula na A La Juventud Filipina (Sa Kabataang Pilipino), na isinulat ni Gat Jose Rizal noong 1879, upang maging lente na maaaring magpaliwanag sa papel ng kabataan na hinimok niya na maging malay at ialay ang talino at galing para sa bayan.

Click to view